chords: D - D/C#m - Bm - A - D
koro: D - F#m - G -Em - A - D
lyrics:
Ang nais ko'y ika'y awitan
Habang ako ay mayroong buhay
Kabutihan mo'y aking isisigaw
Kadakilaan mo'y aking itatanghal
Ang nais ko'y ika'y papurihan
Habang taglay ko ang kalakasan
Mula ngayon at magpakailanman
Ikaw lang ang tanging aawitan
koro:
Sa'yo magpupuri, sa'yo ay sasamba
Katapatan mo'y laging sasambitin
Itataas ang tinig ko, ihahayag pag-ibig mo
Sa buhay ko'y hindi nagbabago aking Hesus.
Ang nais ko'y ika'y alayan
Isang awit na may kabuluhan
Tinig ko'y sa'yo ilalaan
Ikaw lang ang tanging papupurihan
tulay:
'pagkat pag-ibig mo'y walang hanggan
Dakila ang iyong katapatan, O Diyos.
....music, lyrics and arrangement by Dennis G. Soriano
Tuesday, May 13, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment